top of page

MAGNITUDE 5.4 NA LINDOL SUMUNOD NA TUMAMA SA ABRA MATAPOS UNANG YANIGIN NG 7.0 MAGNITUDE NA LINDOL

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang lalawigan ng Abra, ilang oras matapos tumama ang 7.0-magnitude na lindol sa bayan ng Tayum sa lalawigan at ilang lugar sa Luzon kahapon ng Miyerkules ng hapon, July 27.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum Jr., dapat munang suriin at huwag munang gamitin ang mga imprastrakturang nasira ng lindol na yumanig sa Abra at mga karatig lalawigan

Aniya, inaasahan ang mga aftershocks na maaaring tumagal ng ilang araw.

As of 4pm, nakapagtala ang Phivolcs ng 280 aftershocks, 13 ang naramdaman, at 57 ang na-plot o na-locate.

Hinimok din niya ang mga lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga lugar na dapat iwasan para sa kaligtasan.

Aniya, kailangan talagang pag-igtingan ang kahandaan.

Samantala, ayon sa PHIVOLCS, ang magnitude 7 na lindol ay sanhi ng paggalaw sa kahabaan ng Abra River Fault. Natunton ang epicenter ng lindol sa layong 3 km, hilagang-kanluran ng munisipalidad ng Tayum.

Aniya, naramdaman ng mga lugar tulad ng Bucloc at Manabo sa Abra ang lindol sa Intensity VII.

2 views
bottom of page