MAGSASAKA NA MIYEMBRO NG MILF, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN SA DATU HOFFER, MAGUINDANAO

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Pinagbabaril-patay ng hindi pa natutukoy na mga salarin ang magsasaka na miyembro ng MILF na kinilalang si Thoks Angkupa, linggo ng gabi sa Sitio Bagurot, Tuayan Mother, Datu Hoffer, Maguindanao.


Ayon kay Datu Hoffer PNP Chief PLT Billy Fontanilla, kasama ng biktima ang kanyang asawa at binabaybay ng mga ito ang daan ng Sitio Aliman, Tuayan Mother lulan ng motorsiklo nang bigla itong pinagbabaril ng dalawang hindi pa tukoy na mga salarin.

Photo courtesy : Datu Hoffer MPS


Lumalabas din sa kanilang imbestigasyon na posibleng may kinalaman ang pagiging MILF member nito sa kaniyang pagkakasawi.


Nagpapatuloy din ang imbestigasyon hinggil sa insidente at hiniling din ng pulisya ang kooperasyon ng publiko na makakatulong upang maresolba ang kaso.


End

1 view