Maguindanao Government, tuloy-tuloy sa pagpapatayo ng mga proyektong pang imprastraktura

Kate Dayawan | iNEWS | September 28, 2021


Cotabato City, Philippines - Isang mini gym na naman ang matagumpay na naipatayo ng Provincial Government ng Maguindanao sa Barangay Tabungaw, Rajah Buayan.


Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki- Mangudadatu.


Bukod pa rito, isang mini gym din ang naipatayo sa Barangay Tukanalugong, Datu Abdullah Sangki.


Mula sa local fund ang pondong ginamit sa paglalatayo ng mga nasabing imprastraktura.


Nais ng Agila ng Maguindanao na tuloy-tuloy lang ang pagbibigay ng tamang serbisyo para sa probinsya ng Maguindanao.




6 views