Joy Fernandez | iNEWS | October 19, 2021
Cotabato City, Philippines - Sa muling paglalayag ng Floating Hospital ng MV PAX MERS ---
Iba't ibang serbisyong medikal at relief goods ang ipinagkaloob ng Maguindanao Medical Team sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa mga mamamayan ng Datu Blah Sinsuat.
Ang Sitio Bral, Barangay Lapaken ay isa sa mga barangay ng DBS na nakabenepisyo sa nasabing medical mission.
Tinatayang nasa 478 ang nakabenepisyo ng libreng konsultasyon, pitumput pito naman ang tumanggap ng libreng eyeglasses, dalawamput lima ang naka-benepisyo ng libreng bunot ng ngipin, dalawamput apat para sa libreng tuli at dalawa naman ang nakatanggap ng wheelchair mula sa Makabagong Maguindanao Government.
