Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 21, 2022

Photo courtesy: Babai A. Kasaligan
Cotabato City, Philippines - Ginagawa ngayon ang road rehabilitation sa Barangay Kaya-Kaya, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.
Habang naghandog naman ng medical at outreach program ang Maguindanao Medical Team sa Barangay Poblacion 1, Parang, Maguindanao kung saan daan-daang residente ang libreng nakapagpakonsulta, dental check-up, nabigyan ng wheelchair, reading eyeglasses, gamot at feeding program.

Photo courtesy : Babai A. Kasaligan
Ang lahat ng ito ay naging posible sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Ito ang kanyang pagtupad sa kanyang pangako na sama-sama ang lahat tungo sa Makabagong Maguindanao.
End.