Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Nagpapatuloy ang pag-abot ng tulong ng Bangsamoro READi sa mga barangay ng Special Geographic Area ng Bangsamoro Region na naapektuhan ng baha.
Kahapon lang, naabutan ng tulong ang Brgy. Rajamudah Pikit Cluster 2.
Personal na tinungo ng nga kawani ng ahensiya ang lugar kung saan isang lubong mga residente na ang lubog sa baha, magdadalawang linggo na.
Kaugnay dito, nagpulong na rin ang Bangsamoro READi, katuwang ang iba pang ahensiya tulad ng Minsitry of Social Services and Development at Prohect TABANG upang pagtulungan ang pag-aabot ng tulong sa mga naapektuhan ng baha.
Magpapatuloy ang paghatid ng tulong ng Bangsamoro READi sa ibang apektado ng baha sa mga susunod na araw.