Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Isang libo at limang daang mga residenteng apektado ng baha ang Inabutan ng tulong ng Bangsamoro Radpid Emergency Action on Disaster Incidence sa Brgy. Biniruan (Poblacion 9) Cotabato City.
Nitong araw ng Sabado, September 10, gamit ang kanilang rubber boats, dala nito ang sako-sakong relief assistance para sa mga residente na apektado ng baha matapos ang sunod-sunod na pag-ulan sa lungsod.
Personal itong pina-abot ni MILG Minister at Bangsamoro READi Head Atty. Naguib G. Sinarimbo kay Brgy. Chairman Nasrudin “Jonas” Mohammad kasama ng kanyang mga Kagawad.