Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

20,748 board feet ng iba't ibang sukat ng mga red at white Lauan lumbers na nagkakahalaga ng mahigit 1.6 million pesos ang nakumpiska ng Marine Battalion Landing Team 5 sa Barira, Maguindanao matapos ruminsponde sa report ng isang concerned citizen.
Katuwang ng Philippine Marines ang Barira MPS, MENRO-Barira, Ministry of Public
Photo courtesy: MBLT 5
Order and Safety (MPOS) - BARMM, at ang Ministry of Environment Natural Resources and Energy (MENRE) - BARMM.
Bukod sa mga troso, nakumpiska din ang ilang mga gamit tulad ng chainsaw, at heavy-duty bandsaw.
Bigo naman ang otoridad na madakip ang mga indibidwal na nasa likod ng pamumutol ng mga kahoy.
Nasa kustodiya ngayon ng MBLT-5 ang mga nakumpiskang kahoy at nakatakdang iturn-over sa
Ang mga nakumpiskang kahoy ay temporaryong isasailalim sa kustodiya ng MBLT-5 at ituturn-over sa MENRE-BARMM.
Maituturing na critically endangered ang Red at White Lauan kaya't ipinagbabawal sa batas ang pagputol nito ng walang kaukulang permiso at dokumento.
End