Fiona Fernandez

COTABATO CITY — Mahigit 10,000 miyembro mula sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front ang sumailalim sa National Special Qualifying Eligibility Examination ng National Police Commission o NAPOLCOM ngayong araw ng linggo, May 29.
Ayon kay Atty. Ysnaira Ibrahim, ang Chairman ng Police Regional Appellate Board ng NAPOLCOM-BARMM, mayroong kabuuang 11 testing centers sa Cotabato City at 3 sa Lamitan City.
Ang NSQEE ay alinsunod sa NAPOLCOM Resolution 2022-0081 na napagkasunduan sa pagitan ng NAPOLCOM at Bangsamoro Government.
Samantala, sa higit 11,000 aplikante, 119 ang hindi nakapag-exam ngayong araw.