top of page

MAHIGIT 15,000 RESIDENTE NG COTABATO CITY, NABAKUNAHAN SA 3 DAY NATIONAL COVID-19 VACCINATIONS DAY

Joy Fernandez | iNEWS | December 6, 2021

Photo courtesy : Cotabato City Health


Cotabato City, Philippines - Sa isinagawang 3 day National Covid-19 Vaccination Campaign ng National Government noong ika-dalawamput siyam ng Nobyembre hanggang ika-isa ng Disyembre ----


Nasa labing limang libo, isandaan at pitumput tatlo ang kabuuang bilang ng mga residente ng Cotabato City ang nabakunahan sa naturang kampanya.



4, 431 mula sa kabuuang bilang ang nabakunahan sa unang araw, 4, 347 naman sa ikalawang araw habang 6, 395 naman ang tumanggap ng bakuna kontra Covid-19 sa huli at ikatlong araw ng bakunahan.


Patuloy namang hinihikayat ni Cotabato City Health Officer Dr. Meyasser Patadon ang publiko na hindi pa tumanggap ng bakuna kontra Covid-19 na magpabakuna na upang makamit ang herd immunity at manumbalik na rin sa dati ang magandang estado ng ekonomiya.

8 views
bottom of page