top of page

MAHIGIT 1K PULIS, DINEPLOY NG PNP-BARMM SA IBA’T IBANG BAYAN SA REHIYON BILANG PAGHAHANDA SA HALALAN

Kate Dayawan

BANGSAMORO REGION - Idineploy ngayong araw ng Police Regional Office BARMM ang 1,238 na mga personnel nito na magiging augmentation force na tutulong sa seguridad sa araw ng eleksyon, May 9, 2022, sa rehiyon.


416 na police personnel nito ang idadagdag sa Lanao del Sur mula sa Reactionary Standby Support Force at 156 naman mula sa Regional Mobile Force Battalion 14.


Sa Maguindanao, 310 na mga police personnel ang idineploy mula sa RSSF at 256 naman mula sa RMFB.


Habang isang lubong pulis naman ang idineploy dito sa Cotabato City.


Sa 1,238 na mga idineploy na pulis ngayong araw, 706 dito na mula sa RSSF at 266 mula sa RMFB ay isinailalim sa pagsasanay upang magsilbi bilang Special Election Board of Inspectors kung kinakailangan.


Mayroon naman 390 PNP personnel ang nakahanda nang ideploy sa island provinces ng BARMM.


182 dito ay mapupunta sa Sulu, 120 sa Basilan at 96 naman sa Tawi-Tawi.

15 views
bottom of page