Amor Sending | iMINDSPhilippines

Zamboanga City, Philippines - Nagsimula na kahapon, araw ng lunes ang ikalawang round ng National Vaccination Drive sa lungsod ng Zamboanga. Target ng City Health Office na mabigyan ng Covid-19 vaccine ang higit anim na libong katao kada araw o may kabuuang 20,112 jabs sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan. Kaugnay nito, nagbukas na rin ang mahigit apat-napung vaccination sites sa lungsod sa pakikiisa ng iba't ibang institusyon, mga pribadong establisimyento, ospital at ahensya ng pamahalaan.
Matatandaan na nakatakdang ganapin ang Ikalawang round ng Bayanihan Bakunahan noong December 15 hanggang December 17, ngunit bago manalasa ang Bagyong Odette, naglabas ng abiso ang Department of Health na ipagpaliban ang ikalawang round ng Bayanihan Bakunahan sa iilang bahagi ng bansa dahil sa banta na dulot ng Tropical Cyclone Odette. Kaya naman, nagdesisyon ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga na ilipat ang iskedyul ng ikalawang round ng National Vaccination Drive sa Dec.20 hanggang December 22 sa taong kasalukuyan.
Patuloy naman ang panawagan ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa mga residente ng lungsod na hindi pa nababakunahan na magpabakuna na kontra Covid-19 upang makamit ang herd immunity sa lalong madaling panahon. End.