iNews | December 21, 2021

Maguindanao, Philippines - Sa magkakasunod na isinagawang Medical Mission ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao, libu-libong mga mamayan mula sa Baranggay Digal, sa bayan ng Ampatuan at Baranggay Upper D'lag sa bayan ng Pandag Maguindanao ang nakabenepisyo sa libreng serbisyong medikal.
Unang tinungo ng Maguindanao Medical Team ang Barangay Dilag noong December 18, sunod naman ang Barangay Upper D'lag kung saan bukod sa Medical Mission isinagawa rin ang Out reach program. Ayon sa talaan ng Makabagong Maguindanao Medical Team mula December 18, hanggang December 20, 2021, umabot sa mahigit tatlong libong Indibwal sa Barangay Dilag at Baranggay Upper D'lag ang naserbisyuhan ng libreng konsultasyon sa doktor, isang daan at limampu't limang mga residente naman ang sumailalaim sa tooth extraction habang dalawang daan at walumpot anim naman na kabataan naman ang naserbisyuhan ng libreng tuli.
Liban pa rito ang pamamahagi ng salamin sa mata at wheel chairs para sa mga residenteng may kapansanan at Senior Citizens sa naturang dalawang Baranggay. Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa direktiba ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu upang isulong ang Gobyernong may Malasakit sa Probinsya.