Kate Dayawan | iNews | iMinds Philippines
DUMATING NA kahapon SA bansa ang 326,400 na karagdagang doses ng COVID-19 vaccine mula sa Moderna. Bago mag alas kwatro kahapon ay dumating na ang shipment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, 224,400 doses ng Moderna vaccine ay mapupunta sa gobyerno habang ang natitirang 102,000 doses naman ay ibibigay sa International Container Terminal Services Inc.
Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., 12.9 Million na mga Filipino ay nakatanggap na ang unang dose ng COVID-19 vaccine habang 11.2 Million katao naman sa bansa ang fully vaccinated na. Sumatotal ay umabot na sa 15.88 percent na mula target population ang nabakuhan na.
Ayon kay Galvez, inaasahan na ngayong buwan ng Agosto ay aabot sa 22.7 Million ang mababakunahan sa bansa. Noong Huwebes lamang ay muling nakatanggap ang Pilipinas ng isang milyong doses ng Sinovac vaccine.
