top of page

Mahigit 58-M na halaga ng shabu, sinira ng PDEA-BARMM

Kate Dayawan | iNEWS | December 14, 2021






Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM ang mahigit 58 million pesos na halaga ng shabu sa Hall Of Justice, Capitol Site, Patikul, Sulu-


Araw ng lunes, December 13, 2021.


Bahagi ng matagumpay na kampanya ng PDEA laban sa iligal na droga.


Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan mismo ni Dir. Gilbert Buenafe, Regional Director ng PDEA BARMM kasama si Sulu Governor Abdusakur Tan bilang guest of honor at speaker.


Kabilang sa mga sinunog ang 8,428.07 gramo ng shabu at 8100 gramo ng Marijuana.


sa kabuuan ay nagkakahalaga ito ng 58,282,848 pesos kasama ang iba't ibang ebidensya na may court orders na nakumpiska mula sa iba't ibang anti-drug operations ng PDEA at PNP.


Ang pagsira ng mga iligal na droga ay alinsunod sa guidelines na itinakda sa kustodiya at disposisyon ng mga nakumpiskang iligal na droga sa ilalim ng Section 21, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Dangerous Drugs Board Resolution No. 1, Series of 2002-


At alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Malugod namang nagpapasalamat ang PDEA BARMM kay Sulu Provincial Governor Tan dahil sa suporta nito sa anti-drug campaign ng gobyerno.


Naroon din upang saksihan ang pagsira ng mga iligal na droga ang mga representante mula sa iba't ibang Regional Trial Courts ng Sulu at Zamboanga City, Prosecutor's office, mga municipal mayor, media at Civil Society Organization.

6 views
bottom of page