MAHIGIT 700 IDPs SA PIKIT, COTABATO, HINANDOGAN NG RELIEF ASSISTANCE NG BANGSAMORO READI
Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Tinungo ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o Bangsamoro READi ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) BARMM ang dalawang barangay sa bayan ng Pikit, North Cotabato para magbahagi ng tulong sa mga Internally Displaced Persons ( IDP) na apektado ng kaguluhan bilang bahagi ng
Photo courtesy : BARMM READi
humanitarian assistance ng BARMM.
Mahigit pitong-daang (700) mga IDP sa Barangay Calawag at Ginatilan ang nakabenepisyo sa relief operations ng Bangsamoro READi a onse ng Oktubre sa tulong ng mga barangay officials, MSWDO ng Pikit at ng PNP-PRO12.
Samantala, kahapon naman, tinungo ng Bangsamoro READi ang Barangay Dunguan ng Aleosan, upang magsagawa ng validation sa mga IDP sa nasabing lugar.
End