Kate Dayawan | iNEWS | September 16, 2021
Cotabato City, Philippines - Dumating na kahapon sa bansa ang higit sa 753,000 doses ng karagdagang Pfizer-BioNTech vaccine.
Mahigit 51,000 doses dito ay ibibigay sa Cebu at gayundin sa Davao habang ang matitira ay mapupunta sa mga lugar sa Luzon.
Sinabi ni Dr. Ted Herbosa ng NTF on COVID-19, ia-allocate ang mga ito sa mga rehiyon sa labas ng NCR at mapupunta ang iba sa Rehiyon 3 at 4.
Kung sakaling kulangin umano ang supply ng bakuna sa pang-limang araw sa mga LGU, agad na magpapadala ng bagong supply ang NTF.
Tuloy-tuloy naman umano ang vaccination process ngayong magbabago ang quarantine classifications sa bansa.
Ayon kay Herbosa, wala pang polisiyang inilalabas ang IATF tungkol sa pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos.
Kailangan umano manggaling sa vaccine expert panel ng DOH ang rekomendasyon para aprubahan ng IATF.

Photo by: PTV