Kael Palapar

(Photo courtesy: PRO-BAR)
BANGSAMORO REGION - Hindi mailarawan ni Sainor Salem ang kanyang nararamdaman matapos makakuha ng Certificate of Admission mula sa National Police Commission ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o NAPOLCOM-BARMM.
Isa kasi si Sainor sa mahigit walong libong aplikante mula sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF na nakatakdang sumailalim sa Special Qualifying Eligibility Examination o SQEE ng NAPOLCOM ngayong darating na May 29.
Samantala, nagsagawa na ng paunang review ang Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region o PRO-BAR sa humigit kumulang limang libong aplikanteng noon May 17 sa Regional Head Quarters nito sa Camp Salipada sa bayan Parang sa Maguindanao.
Kasalukuyan namang isinasagawa ang review para sa pangalawang batch sa parehong lugar mula ngayong araw ng Lunes, May 21 hanggang ngayong darating na May 24.
Magsasagawa rin ng review sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ngayong darating na May 23 hangang May 27.
Mahigit 8,000 aplikante mula sa hanay ng MILF at MNLF na nagsumite ng kanilang aplikasyon at sasailalim sa exam.
5,060 na papasa sa exam ang magiging bahagi ng unang batch na sasailalim sa training hanggang sa ganap na maging pulis.
Ito ay alinsunod sa Napolcom Resolution No. 2022-008 na napagkasunduan ng NAPOLCOM at Bangsamoro Government.