Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Umabot na sa 8,027 schools sa pitong rehiyon sa Luzon ang naitalang naapektuhan ng lindol.
Sa inisyal na report ng Department of Education, 35 school at 15 school division office ang nagtamo ng infrastructure damage.
Ayon naman sa initial Rapid Assessment of Damages Report (RADaR) ng Disaster Risk Reduction and Management Service, 11 schools mula Region III o Central Luzon ang nasira, 9 mula sa Region II o Cagayan Valley, 8 sa Cordillera Administrative Region (CAR ), at 7 schools sa Region I (Ilocos Region).
Dagdag pa rito, umabot na sa 228.5 million pesos ang danyos na iniwan ng lindol.
Sa araw din na tumama ang lindol, nagbaba na ng direktiba si Vice President Sara Duterte na i-activate na ang Education Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) teams upang agarang tugunan ang mga pangangailangan ng mga paaralan lalo na’t malapit na ang pagbubukas ng paaralan sa Agosto.
Hindi naman suspendido ang pagbubukas ng klase sa Agosto sa kabila ng naganap na lindol, pero ang mga paaralang lubhang naapektuhan ay pansamantalang sususpindehin.