Kate Dayawan | iNews | January 18, 2022

Courtesy: Bangsamoro Government
Cotabato City, Philippines- Mahigit walong daang benepisyaryo ng walong programa ng Ministry of Labor and Employment sa probinsya ng Tawi-Tawi ang nakatanggap na ng kanilang stipen at cash aid na ipinamahagi sa provincial office ng MOLE sa bayan ng Bongao. Kabilang sa mga nasabing programa ay ang Government Internship Program o GIP, Hay-Aul Ulama GIP, Kulliyah GIP, Special Program for Employment of Students o SPES, Community Emergency Employment Program, Sagip Batang Manggagawa Program, COVID-19 Assistance Program for Private and Establishment Employees at Livelihood Assistance for Bangsamoro Rural Employment through Entrepreneurial Development o BREED. Ang mga benepisyaryo bg regular GIP, Hay-Aul Ulama GIP at Kulliyah GIP ay nakatanggap ng tig-14,850 pesos. Katumbas nito ang tatlong buwan nitong sahod. Tig-3,600 pesos naman ang natanggap ng mga benepisyaryo ng SPES habang titig-4,500 pesos naman ang natanggap ng mga benepsiyaryo ng CEEP sa labinlimang araw nitong pagseserbisyo. 20,000 pesos naman ang natanggap ng mga benepisyaryo ng SBM Program at BREED Program habang ang mga benepisyaryo ng CAP for Private and Establishment Employees ay nakatanggap ng tig-5,000 pesos. Ngayong taon, papalawigin pa umano ng MOLE ang iba't ibang programa nito nang sa ganoon ay mas marami pa ang matutulungan.