top of page

MAHIGIT 800 PULIS AT SUNDALO, IDI-DEPLOY BUKAS SA ISASAGAWANG SPECIAL ELECTIONS SA TUBARAN

Kael Palapar

LANAO DEL SUR - Bukas na ang isasagawang special elections sa labing dalawang barangay sa bayan ng Tubaran, Lanao Del Sur.


Handa na ang PNP at AFP sa ipatutupad na seguridad sa lugar kung saan walong daang miyembro nito ang magbabantay sa lugar.


"Andon na yung ibang tropa, tapos bukas, continue pa ring hahakutin yung iba, para doon na magbantay sa area." ayon kay PLt. Col Ajid Manalumpong, PIO ng LDS PPO.


Katuwang ng Lanao Del Sur Police Provincial Office ang Special Action Force ng PNP, Regional Mobile Force Battalion 14 at Explosive Ordinance Disposal Team ng PNP at 181 mula sa AFP.


Nagtalaga na rin ng checkpoints ang PNP sa mga entry at exit sa bayan ng Tubaran.


Ito’y upang matiyak na wala nang mangyayaring pagtangay ng vote counting machines at mga balota tulad nang naganap noong araw ng halalan kaya idineklara ng COMELEC ang 'failure of elections' sa lugar


45 PNP personnel mula sa regional headquarters ang itinalaga para magsilbing Board of Election Inspectors o BEI sa labing apat na polling precincts sa tatlong voting centers.


"Under comelec control, para wala nang bias, PNP na yung ang mag BEI." dagdag ni Manalumpong.


Upang matiyak ang malinis at patas na special elections bukas sa labing dalawang barangay sa bayan ng Tubaran sa Lanao del Sur, gagamit ng Body-Worn Camera system ang mga pwersa ng PNP at AFP bilang bahagi ng kanilang security operations.


"Hhindi man laaht ng secuirty forces meron pero mabibigyan sila ng bawat polling place ng cctv, kung ilan ang meron, yung ang ididivide sa kanila." giit ng opisyal.


Naniniwala naman ang Police Provincial Office ng Lanao del Sur na wala na umanong banta sa seguridad ang nalalapit na special elections.

16 views
bottom of page