Amor Sending | iNEWS | December 9, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of Cotabato
Cotabato City, Philippines - Isa ang Barangay Salasang, Arakan Cotabato sa napiling benepisyaryo ng P20M Support to Barangay Development Fund (SBDF) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Kaugnay nito, isinagawa ng Provincial Government ng Cotabato katuwang ang ELCAC ang "Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateno Lokal Serbisyo Caravan (NAC-LSC)" sa Barangay Salasang, sa bayan ng Arakan, araw ng Martes, ika pito sa buwan ng Disyembre.
Sa isinagawang Lokal Serbisyo Caravan, namahagi ng tablet ang Provincial Government ng Cotabato para sa 48 na mag aaral ng Grade 4, 5, and 6 pupils ng Datu Ladayon Elementary School; P324,000 entrepreneurial cash grant sa 108 maliliit na negosyante; 425 food packs, assorted fruit and forestry seedlings, 5 modules of goat,vitamins,assorted medicines, oral health kits, buntis kits at food packs para sa malnourished children.
Ayon sa Kapitan ng Baranggay, gagamitin sa pagpapakonkreto ng daan, pagpapatayo ng health station, at school building ang P20M Support to Barangay Development Fund mula sa Pamahalaang nasyunal.
Ang End Local Communist Armed Conflict Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateno Lokal Serbisyo Caravan ay naglalayon na mawakasan ang insurgency sa mga conflict-affected barangays ng lalawigan.