MAHIGIT ISANG LIBONG RESIDENTE MULA SA BRGY. TUMAGINTING, NAKATANGGAP NG SERBISYONG MEDIKAL

Amor Sending | iNEWS | December 13, 2021

Photo courtesy : Makabagong Maguindanao Medical Team Tatak Agila


Cotabato City, Philippines - Patuloy pa rin si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa pagtupad sa kanyang mga pangako sa kanyang mga nasasakupan, lulan ng Maguindanao Mobile Hospital, tinungo ng Maguindanao Medical Team ang bayan ng Nothern Kabuntalan upang magsagawa ng Medical Mission, nitong araw ng Biyernes, ika-sampo sa buwan ng Disyembre.


Ito ay Alinsunod sa Direktiba ng Agila ng Maguindanao.



Ang mga residente mula sa Brgy. Tumaginting sa naturang bayan ay nakabenepisyo mula sa libreng konsultasyon, libreng pagtuli at libreng pagbunot ng ngipin.


Liban dito, isinagawa rin sa mismong araw ang feeding program at pamamahagi ng mahigit isang daang salamin at wheel chairs para sa mga senior citizens at mga residenteng may mga kapansanan.


Sa kabuuan abot sa mahigit isang libong mga residente ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal.

Sinisiguro naman ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki

na maihatid ang Libreng serbisyong medikal sa bawat sulok ng Probinsya.

3 views