top of page

MAHIGIT P7B PARA SA TCT


Photo Courtesy: Presidential Communications Office

DBM, INAPRUBAHAN NA ANG PAGPAPALABAS NG P7,684,844,352 PARA PONDOHAN ANG TARGETED CASH TRANSFER PROGRAM NG DSWD


Presidential Communications Office - Inaprubahan ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng mahigit pitong bilyong piso na Special Allotment Release Orders o SARO para pondohan ang Targeted Cash Transfer o TCT Program ng Department of Social Welfare and Development.


Aprubado na ng DBM ang 7 billion, 684 million, 844 thousand, 352 pesos na pondo para sa Targeted Cash Transfer (TCT) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Mayo a dise sais nang magpalabas ang DBM ng Special Allotment Release Orders o SARO.


Tinatayang nasa 7,597,546 bilang ng mga benepisyaryo ang inaasahang makikinabang mula sa TCT.


Kung matatandaan, noong taong 2022, nakapagpalabas na ang DBM ng kabuuang P19.43 bilyon sa DSWD katumbas ng apat na buwan mula sa anim na buwang pondo na kailangan para sa TCT.


Ang P7.68 bilyong pondo na inaprubahan kamakailan lang ay sasakop sa natitirang dalawang buwan ng TCT.


Nagbibigay ang programa sa mga benepisyaryo ng P500 kada buwan, kasama na dito ang administrative cost at bank charges.

5 views0 comments