top of page

MAHINIT NA PANAHON


Tuloy tuloy pa rin na makakaranas ng mainit na panahon ang malaking bahagi ng bansa. ngunit may mga tsansa ng mga localize thunderstorm sa Visayas at Mindanao na dulot ng Easterlies.


Ayon sa Datos ng PAGASA, mainit na panahon pa rin ang nararanasan sa malaking bahagi ng bansa. Sa pag iral naman ng Easterlies o ang hangin na nanggagaling sa Dagat Pasipiko ay posible ang mga localize thunderstorms lalo na sa Visayas at Mindanao, habang sa Luzon naman ay nakakaranas pa rin ng Mainit na panahon.


sa ngayon ay wala nang namamataang bagyo ang PAGASA at posibleng maliit na rin ang tsansa na magkaroon ng bagyo ngayong buwan ng Abril.


para nman sa magiging lagay ng panahon bukas-


Ang Cotabato city ay makakaranas ng 25-34 degrees celsius na agwat ng temperatura at 20 percent na tsansa ng pag-ulan.


Sa Maguindanao, maglalaro sa 24-35 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 20 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro sa 23-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 50 percent ang chance of rain.


Sa Cotabato Province, maglalaro sa 23-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 40 percent ang chance of rain.


Ang Davao City naman ay makakaranas ng 23-32 degrees celsius na agwat ng temperatura at 20 percent na tsansa ng pag-ulan.


Sa Cagayan De Oro, maglalaro sa 25-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 40 percent ang chance of rain.


Sa Zamboanga City, maglalaro sa 26-31 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 60 percent ang chance of rain.


Sa Lanao Del Norte, maglalaro sa 24-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 60 percent ang chance of rain.


at Ang Lanao del sur naman ay makakaranas ng 18-27 degrees celsius na agwat ng temperatura at 90 percent na tsansa ng pag-ulan.


ang araw ay sumikat kaninang 5:37 ng umaga at lumubog kaninang 6:11 ng hapon

3 views0 comments