top of page

MAINIT NA PANAHON, PATULOY NA NARARANASAN SA BANSA

Updated: Apr 28


Mainit na panahon pa rin ang iiral sa bansa lalo na pagdating ng tanghali hanggang hapon, habang may mga posibilidad naman ng mga isolated rains sa bahagi ng Mindanao at Visayas na dala ng Easterlies.


Makikita sa sattelite images ng PAGASA, wala gaanong kaulapan ang makikita sa sa bansa maliban na lamang sa mga localized thunderstorms pero generally mainit na panahon ang nararanasan sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa tanghali hanggang hapon habang lumalaki ang posibilidad ng pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa may bahagi ng Visayas at mindana na siya ring epekto ng Easterlies.


sa ngayon wala naman namamataang sama ng panahon ang PAGASA at mababa ang posibilidad na magkaroon ng bagyo hanggang sa katapusan ng Abril.


ayon sa datos na nakuha ng PAGASA, ngayong din weekend ay maaring magkaroon ng cloud clusters sa may bahagi ng mindanao kaya magiging maulap ang bahagi ng Visayas at Mindanao sa mga araw na ito.


sa magiging lagay ng ating panahon bukas-


Ang Cotabato city ay makakaranas ng 25-36 degrees celsius na agwat ng temperatura at 40 percent na tsansa ng pag-ulan.


Sa Maguindanao, maglalaro sa 25-36 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 20 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro sa 23-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 40 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa Cotabato Province, maglalaro sa 24-36 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 50 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Ang Davao City naman ay makakaranas ng 24-32 degrees celsius na agwat ng temperatura at 40 percent na tsansa ng pag-ulan.


Sa Cagayan de Oro, maglalaro sa 26-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 20 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa Zamboanga City, maglalaro sa 26-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 40 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa Lanao Del Norte, maglalaro sa 25-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 50 percent ang tsansa ng pag-ulan.


at Ang Lanao del sur naman ay makakaranas ng 18-28 degrees celsius na agwat ng temperatura at 70 percent na tsansa ng pag-ulan.


ang araw ay sumikat kaninang 5:36 ng umaga at lumubog kaninang 6:12 ng hapon.

0 views0 comments