Makabagong Maguindanao Medical Team, nagsagawa ng Medical Mission sa coastal areas sa bayan ng DOS

Amor Sending | INEWS | November 19, 2021


Photo courtesy: Agila ng Maguindanao


Cotabato City, Philippines - Sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, tinungo ng Makabagong Maguindanao Medical Team ang coastal areas sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, araw ng lunes ika-labing lima sa buwan ng Nobyemre upang magsagawa ng Medical Mission at mamahagi ng wheel chairs sa mga residente


Lulan ng M/V PAX MERS, unang tinungo ng Medical Team ang Brgy. Mompong kung saan tatlong daan at tatlumpo katao ang nakabenepisyo sa libreng consultation, habang tig- apat napong residente naman ang nakatanggap ng libreng salamin sa mata at circumcision, at isang PWD patient naman nakatanggap ng wheel chair sa nasabing barangay.


Ang ganitong programa ay ilan lamang sa mga programang patuloy na isinusulong ng Mabagong Maguindanao upang isulong ang Gobyernong May Malasakit.

2 views