Lerio Bompat | iNEWS | January 26, 2022

Photo Courtesy: Google Photo
COTABATO CITY, Philippines - Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga aktibidad na ipinagbabawal sa panahon ng pangangampanya.
Kabilang dito ang house-to-house campaigning, Crowding, Handshake, embraces, kissing, arm-in-arm o ano mang aktibidad na may pisikal contact.
Ipinagbabawal din ang Selfies o pagkuha ng litrato nang malapitan.
Distribusyon ng pagkain o inumin..
Ipinagbabawal din ang mga ito sa political caucuses, meetings, conventions, rallies, at miting de advance.
Ang campaign period ay magsisimiula sa Feb. 8 para sa national aspirants at March 25 naman para sa local contenders.