top of page

MALAKING OIL PRICE HIKE, IPINATUPAD NGAYONG ARAW

Alejandro Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 8, 2022


Cotabato City, Philippines - Sa ika-sampung sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa, ito na ang pinakamalaking dagdag presyo na naitala ngayong taon.


Simula kaninang umaga, tinaasan na ng mga oil company ang presyo ng langis.


5.85 ang itinaas sa kada litro ng Diesel, 3.60 pesos naman per liter ng Gasolina habang 4.10 pesos naman sa kada litro ng Kerosene.


Ang mga gasoline station sa Metro Manila ay mag-retail gasoline sa 66-85 php kada litro at 58-73 bawat litro sa Diesel.


Samantala dito sa Cot City naglalaro sa 70.56 kada litro ang Gasolina at 58.65 kada litro ng Diesel.


Sa ngayon, ang mga motorista ay hindi na maka afford na magkarga ng full tank dahil sobrang taas ng presyo.


Ang Department of Energy ay walang balak na i- freeze ang presyo ng gasolina dahil may inaasahang pagtaas nanaman ng presyo ng petrolyo sa mga susunod na linggo.


Kaya naman payo ng goberno, magtipid na lang muna habang hindi pa humuhupa ang Russia-Ukraine conflict.


I-suspende na muna ang hindi importanteng mga lakad O lakwatsa.


End.


12 views
bottom of page