MALAKING ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO POSIBLE SA SUSUNOD NA LINGGO

Mr Jay Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 17, 2022


Cotabato City, Philippines - Matapos ang labing isang sunod-sunod na linggong oil price hike, posible umanong magkaroon ng malaking bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.


Base kasi sa unang araw ng trading sa world market, malaki ang ibinagsak ng presyo ng langis.


Kung ang trend ay magpapatuloy, malaking posibilidad na ang rollback ay aabot sa P10 sa kada litro ng diesel, at higit P4 sa kada litro ng gasolina.


Ito ang sinabi ni Jetti President Leo Bellas.


Inaasahan sa unang dalawang hanggang tatlong araw ng ma-maintain ang trading, mangyayari ang rollback ani Bellas.


End.

0 views