top of page

MALL OPERATORS, UMAPELA NA HUWAG NG LIMITAHAN ANG EDAD NG MGA BATANG PWEDENG PUMASOK SA MGA MALLS

Joy Fernandez | iNEWS | November 24, 2021

Photo courtesy : PNA


Cotabato City, Philippines - Umapela ngayon ang mga mall operators na huwag ng limitahan ang edad ng mga batang pwedeng pumasok sa establisiyemento.


Ayon sa kanila, mas hinigpitan na nila ang kanilang ginagawang seguridad upang masiguro lamang na patuloy na nasusunod ang public minimum health standards.


Pahayag naman ni Jocelyn Clarino, head ng SM North EDSA na mahigpit din nilang pinapaalalahanan ang mga magulang o guardian na mga bata na sundin ang bawat panuntunan.


Aminado din sila na ang mga bata ang naging dahilan kung bakit nabuhay muli ang maraming pang mga negosyo.


Bukas, araw ng huwebes inaasahang tatalakayin ng Inter-Agency Task Force on Covid-19 ang apelang ito---


Pero ayon sa mga mall operators, kung ano man ang maging desisyon ng gobyerno ukol dito ay tatanggapin nila ng bukal sa loob.


15 views
bottom of page