top of page

14 na BIFF members, sumuko sa Joint Task Force Central sa Midsayap, North Cotabato

Kate Dayawan | iNews | January 10, 2022




Courtesy: 6th Infantry Division


Cotabato City, Philippines - Labing apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang kusang loob na sumuko sa 34th Infantry Battalion ng Joint Task Force Central sa Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.


Ayon kay Lt. Col. Edgardo Vilchez Jr., Commander ng 34IB, dalawa sa labing apat na sumuko ay mga menor de edad.


Naging posible ang pagsuko ng mga nasabing indibidwal sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng militar, PNP at iba pang law enforcement agency at komunidad sa lugar.


Bitbit ng mga miyembro ng BIFF sa kanilang pagsuko ang pitong armas kabilang na ang isang M16 rifle, isang M1 Garand rifle, isang M14 rifle, dalawang Caliber .50 modified Bqrret Sniper Rifle, isang 7.62mm modified Barret sniper rifle, isang Caliber .45 Pistol at mga bala ng iba't ibang armas.


Pinuri naman ni MGen. Juvymax Uy, Commander ng JTFC at 6th Infantry Division, ang 34IB, PNP at LGU sa tagumpay na ito.


Aniya, patuloy lamang umanong magtulungan nang sa ganun ay tuluyan nang mawakasan ang teroristang grupo mula sa paggawa ng karahasan.


Dagdag pa nito na hindi umano titigil ang JTFC sa pagtugis sa mga violent extremist na tumangging mamuhay ng mapayapa kasama ang kani-kanilang pamilya at sa halip ay patuloy na gumagawa ng karahasan sa mga komunidad.


End



31 views
bottom of page