Kate Dayawan | iNews | January 10, 2022

Courtesy: Sultan Kudarat PPO - PRO12
Cotabato City, Philippines - Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang dating alkalde ng President Aquino, Sultan Kudarat na si Azel Mangudadatu dahil umano sa patong-patong nitong kaso.
Araw ng Huwebes, January 6, magkasamang tinungo ng pinagsanib na pwersa ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, President Quirino Municipal Police Station, 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, SK Police Intelligence Unit at SKPPO SWAT ang pamamahay ni Mangudadatu upang isilbi ang warrant of arrest nito kaugnay sa kasong Illegal Possession, Manufacture, Acquisition of Firearms, Ammunition or Explosives na walang inirerekomendang pyansa o paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Pagdating ng mga otoridad sa pamamahay nito ay wala ang akusado-
ibinigay ng warrant officer ang kopya ng warrant nito sa kapatid na babae ng dating alkalde na sinasaksihan naman ng mga opisyal ng barangay at media.
Dahil dito, agad na ipinag-utos ni PCol. Tom Tuzon, Officer In-Charge ng SKPPO, na paigtingin ang intelligence operation upang maaresto na ang mga wanted personality.