Lerio Bompat | iNEWS | February 1, 2022

Photo Courtesy: ABS CBN NEWS COTABATO CITY, Philippines- Lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2021 matapos makakuha ng dalawamput tatlong yes votes. Ang mga nakatira sa Main Affected Area o MAA ang kabilang sa mga pupuwedeng mag apply ng claim sa tax na kinabibilangan ng barangay ng : Lumbac Madaya, South Madaya , Raya Madaya 1, Raya Madaya 2, Sabala Amanao, Sabala Amanao Proper, Tolali, Daguduban, Norhaya Village, Banggolo Poblacion, Bubong Madaya, Lilod Madaya, Dansalan, Datu Sa Dansalan, Sangkay Dansalan, Moncado Colony, Moncado Kadilingan, Marinaut West, Marinaut East, Kapantaran, Wawalayan Marinaut, Lumbac Marinaut, Tuca Marinaut at Datu Naga. Ang mga nasa “other affected areas”naman tulad ng barangay ng Saduc Proper, Panggao Saduc, Raya Saduc, Lilod Saduc, Datu Saber, Bangon, Fort at Wawalayan Caloocan ay maari ring mag apply ng claim. Nakasaad din sa panukalang batas na maari ring mag apply ng claim ang mga may-ari ng private properties na na-demolish dahil sa pagpapatupad ng Marawi Recovery, Rehabilitation, and Reconstruction Program (MRRRP) kung saan magmumula ang inisyal na pondo para rito sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund. Bubuo rin ng Marawi Compensation Board na siyang sasala sa lahat ng aplikasyon na mayroong siyam na miyembro, na binubuo ng 3 Maranao lawyer, licensed physician, certified public accountant, educator at licensed civil engineer na ia-appoint ng pangulo. Ang mga miyembro ng board ay tatanggap ng sahod ng kapantay ng Presiding Justice at Associate Justice ng Court of Appeals. Ang operating budget ng board ay nasa P50 milyon. Ang board ang tutukoy sa halaga ng ibibigay na monetary compensation base sa fair market value, Matapos ang 3 taon, magsusumite ang board ng report sa Kongreso at Commission on Audit hinggil sa implementasyon ng batas.