top of page

MARK MAGSAYO, BAGONG WBC FEATHERWEIGHT CHAMPION

Amor Sending | iNEWS | January 24, 2022


Photo Coutesy : GMA Network


Cotabato City, Philippines - Isa na ngayon sa pantheon ng mga Filipino boxing champion si Mark Magsayo matapos niyang masungkit ang WBC featherweight title mula kay Gary Russell Jr. sa pamamagitan ng majority decision win nitong Linggo sa Borgata Hotel Casino sa Atlantic City, New Jersey.


Makalipas ang 12 rounds nang bakbakan, binigyan ng isa sa mga judged ang laban ng score na 114-114 habang ang dalawang iba pa ay binigyan naman si Magsayo ng 115-113 score.


Maagang nagpakitang gilas si Magsayo sa unang bahagi ng laban, gamit ang kanyang advantage para i-neutralize ang suntok ni Russell at regular na i-landing ang kanyang left uppercut.


Ngunit umikot ang momentum ng laban sa ikaapat na round, nang magtamo ng injury si Russell sa kanyang kanang balikat.


Matapos tumama ang kanang kamay na suntok ni Magsayo, na syang nakakuha ng atensyon ni Russel, napangiwi ang Amerikano sa sakit at kinailangan pang umatras.


Si Russell ay lumaban ng isang kamay para sa natitirang bahagi ng laban, at hindi naghagis ng kahit isang suntok sa huling anim na round.


Ngunit si Russell ay nagpakita pa rin ng kahanga-hangang puso at husay, gamit ang kanyang paggalaw upang maiwasan ang karamihan sa mga suntok ni Magsayo habang nilalapag din ang kanyang kaliwang kamay.


Malinaw na si Magsayo ang mas aktibong manlalaban, ngunit naabot pa rin ni Russell ang huling bell kahit na nagtamo ng injury.


Dahil sa panalo, si Mark Magsayo ang pinakabagong Filipino world boxing champion.


Sa ngayon, mayroon nang 24-0 record na may 16 knockouts ang Pinoy boxer, habang si Russel naman ay mayroon nang 31-2 standing.


Ang panalo ni Magsayo ang nagtapos sa anim na taong paghahari ni Russell bilang kampeon, na kasalukuyang pinakamatagal sa boksing bago ang laban.

19 views
bottom of page