top of page

MAS MAAYOS NA SISTEMA NG EDUKASYON, ISINUSULONG NI PANGULONG FERDINAND MARCOS JR.

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Mas maayos na sistema ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng skills Training.

Ito ang ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagbutihin ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral ng skill training na kailangan nila.


Sa New York Stock Exchange Economic Forum, sinabi ni Marcos na ang pangangailangan sa teknikal na kasanayan at mahusay na pagsasanay sa mga paaralan ay maghihikayat sa mga dayuhan na magtayo ng kanilang negosyo sa Pilipinas.


kinilala ni Marcos ang pangangailangang higit na tumutok sa paghahasa ng kakayahan ng mga mag-aaral upang maging handa sila sa kanilang pagpasok sa workforce.


Sinabi niya na ang kanyang administrasyon ay nakatuon sa patuloy na pagtugon sa mga pangangailanan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tamang skills training.

3 views
bottom of page