Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Mas pinalakas na kooperasyon ang pangako nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Prime Minister ng Japan na si Fumio Kishida upang tugunan ang mga hamon sa seguridad at ekonomiya.
Ito ay matapos na mag-usap ang dalawang opisyal sa bilateral meeting na parte ng 77th session ng United Nations General Assembly sa New York City.
Sa Press Briefing kahapon, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na napag-usapan ng dalawang lider ang strategic partnership para sa mas malalim na pakikipagtulungan sa pagtugon sa mga prayoridad sa seguridad at depensa, partikular sa maritime security, maritime domain awareness, maritime law enforcement capacities, at peace process sa Mindanao.
Ayon din kay Secretary Cruz-Angeles na ipinakita din ni Pangulong Marcos mga prayoridad ng kanyang administrasyon na naglalayong mapaunlad ang sektor ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura, at cybersecurity.
Sinabi ni Cruz-Angeles na tiniyak ng Prime Minister sa Pangulo ang kanyang patuloy na suporta sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas upang matulungan ang kanyang administrasyon na makamit ang layunin nitong gawing "upper-middle-income country" ang Pilipinas.
Tiniyak ni Marcos, sa 77th UNGA session, na ang Pilipinas ay nananatiling "on track" para maabot ang upper-middle-income status sa 2023.
Nagpahayag din si Marcos ng tiwala na ang Pilipinas ay magiging isang "moderately prosperous" na bansa pagdating ng 2040.