top of page

MASS BURIAL PARA SA MGA UNCLAIMED CADAVERS, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG ZAMBOANGA!

Amor Sending | iNEWS | November 30, 2021

Photo courtesy: City Government of Zamboanga


Cotabato City, Philippines - Tatlumpu’t tatlong mga labi ang nabigyan ng disenteng libing, kahapon, ika-dalawamput syam sa buwan ng Nobyembre, sa isinagawang mass burial sa city owned public cemetery sa Talaban-


Dalawampu’t lima rito ay lalaki, pito naman ang babae habang ang isa ay fetus na hindi alam ang kasarian.


Batay sa City Ordinance sa lungsod ng Zamboanga, bawat taon ay nagsasagawa ng mass burial ang City Social Welfare and Development Office para sa mga hindi kinukuhang mga labi.


Ayon kay CSWDO Maria Socorro Rojas, karamihan sa mga bangkay ay maaaring biktima ng krimen, ang iba naman ay natagpuan sa liblib na lugar habang ang iba ay namatay sa mga pampublikong ospital o lansangan.

5 views
bottom of page