Joy Fernandez | iNEWS | October 25, 2021
Cotabato City, Philippines - Sa isinagawang public briefing nitong araw ng sabado ---
Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaari lamang gawin ang selebrasyon para sa holloween at christmas parties kung magkakapamilya ang magtitipon at kung maaari ay nasa open area ang mga ito.
Sinabi niyang mayroon pa ring umiiral na mga restrictions kung saan dapat doble ingat ang lahat sa tinatawag na "3Cs”, o mga lugar na closed at crowded, at maging ang di maiiwasang close contact.
Aniya, bunsod ng patuloy na pagbuti ng sitwasyon sa Metro Manila...tumaas ang posibilidad na mas luwagan pa sa susunod na buwan ang mga panuntunan sa ilalim ng pinaiiral na Alert Level 2.
Samantala, nagbigay din ng payo si Vergeire sa lahat ng mga mangangampanya sa darating na halalan na maging responsable naman at mahigpit na ipatupad ang health protocols sa bawat o-organisang pagtitipon.
