top of page

MASTER DEVELOPMENT PLAN NG JICA, ISUSULONG NG MILG-BARMM SA COTABATO CITY AT KARATIG BAYAN

Kael Palapar

COTABATO CITY - "Alam namin na pag nanalo ng organic law, may infusion ng public investment - magiging sentro ay ang seat ng regional government even if it was temporary, magkakaroon ng congestion sa lungsod"


Ito ang inasahan ni MILG-BARMM Minister Atty. Naguib Sinarimbo simula nang maitatag ang Bangsamoro Government noong 2019.


Magiging matindi umano ang problema sa congestion sa trapiko sa mga pangunahing lansangan sa lungsod sa pagbuhos ng public investments sa Cotabato City bilang sentro ng regional government.


Bukod dito, nangingibabaw rin ang problema sa pagbaha dahil sa baradong drainage systems ng lungsod.


"Imagine mo yung 80 member ng parliament, new hires na employee, mga development partners na pupunta sa atin.Beyond that, meron talga inherit na problem ang city, nasa delta siya, nasa mouth siya ng pulanggi. ito lang yung outlet ng ligawasan marsh. Mababa pa siya sa sea level, meron ka pang cotabato trench na nagtitrigger ng lindol" dagdag ng opisyal.


Dahil dito, ayon kay Sinarimbo, isusulong na ang Master Development Plan for Greater Cotabato ng JICA na naglalayong simulan ang iba't ibang hakbang sa development.


"Nakita ito ng team ng JCI so ginawa yung master development plan pero ang visioning dito ay for greater cotabato. hindi lang Cotabato City, ang radius ng development mo hindi lang marerefine sa isang ares, yugn modalities mo kailangan mayroong ibang approach sa development. Hindi natin mareresolve kung isang place." ani Sinarimbo,


Ang pag-aaral na ginawa ng JICA ay nais isulong ng MILG-BARMM hindi lamang sa lungsod ng Cotabato maging sa karatig bayan nito.


Noong nakaraang taon, pumapangalawa ang rehiyon ng Bangsamoro sa may pinakamataas na economic growth sa buong bansa.


Tumaas ng 7.5% ang Economic Performance ng BARMM sa 2021 ayon sa report ng Philippine Statistic Authority

31 views0 comments

Recent Posts

See All