MAULAP NA KALANGITAN, AASAHAN SA MALAKING BAHAGI NG BANSA DULOT NG SOUTHWEST MONSOON

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Lubhang naapektuhan ng Southwest monsoon ang kanlurang bahagi ng Northern Luzon.


Hindi pa rin nawawala ang mga cloud clusters sa bahagi ng Visayas at Mindanao kaya aasahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog


Para naman sa magiging lagay ng ating panahon bukas…


Sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 31 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 55% ang chance of rain.


Sa Maguindanao, papalo rin mula 24 - 31 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 55% ang chance of rain.


Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 24 – 33 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 55% ang chance of rain.


22 - 31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 80% ang tsansang uulan.


Sa Zamboanga City, mula 24-31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 43% ang chance of rain.


Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 20 - 26 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.


Sumikat ang araw kaninang 5:30 ng umaga at lulubog 6:29 ng hapon.

2 views