top of page

MAYOR BENG CLIMACO, PAIIGTINGIN ANG PREVENT, PROTECT, TREAT AND ISOLATE CAMPAIGN SA ZAMBOANGA

Kate Dayawan | iNews | January 19, 2022


Courtesy: City Government of Zamboanga


Cotabato City, Philippines - As of January 12, 2022, umakyat na sa 848 ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City. Dahil dito, pinulong ni Mayor Beng Climaco ang mga Medical Officer ng City Health Office kagabi, January 18, upang pag-usapan ang mga hakbang upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso sa lungsod. Ayon kay Climaco, kailangan na ng agarang aksyon ang kinakaharap na problema at isa sa mga hakbang na ipatutupad ay ang pagpapaigting at pagpapalakas sa Prevent, Protect, Treat and Isolate Campaign ng lungsod na uumpisahan sa pagsisimula ng pagsasailalim ng lungsod sa Alert Level 3 status. Sinabi ng alkalde na kung ano man ang mga bagong alituntunin ng Department of Health para sa quarantine, isolation at testing ay kinakailangan na i-adopt sa lalong madaling panahon. Piniigting din ng alkalde aa CHO ang massive vaccination kabilang na ang weekend hanggang sa kalagitnaan ng Pebrero. Aniya, dapat na maulit kung gaano man kadami ang nagpabakuna sa inilunsad na 3-day National Vaccination drive. Makikipagtulungan rin umano ang City Government sa national government at suppliers upang masiguro na sasapat ang suplay ng mulnopiravir at paracetamols para sa mild cases. Una nang ipinatupad sa mga border control ng lungsod ang "No negative RT-PCR test results, No entry." Ito ay kahit pa man fully vaccinated na ang mga babyahe papasok ng lungsod at kahit saang lugar pa ito galing na may mas mababang alert level status.


6 views0 comments