Lerio Bompat | iNEWS | January 28, 2022

Photo Courtesy: Rappler
COTABATO CITY, Philippines - Sa pagsalang ni Aksyon Demokratiko Presidential Candidate, Manila Mayor Isko Moreno sa isang Presidential one-on-one interview- deretsa ring sinagot ng alkalde ang tanong kung dapat bang iboto sa pagkapangulo ng bansa ang kanyang mga katunggli sa Presidential Race.
Sinabi nitong pwedeng iboto si Senator Panfilo Lacson.
Mabait na tao…ito naman ang tugon ni Mayor Isko dapat bang iboto sa pagkapangulo ng bansa si Senator Manny Pacquiao.
Hindi naman dapat iboto si dating Senador Bongbong Marcos dahil maghihigante aniya ito sa mga dilawan at pink.
Hindi rin dapat iboto sa pagkapangulo ayon sa alkalde si Vice President Leni Robredo dahil maghihigante ito sa pamilya Marcos at Duterte.
Sa tanong kung dapat ba siyang iboto sa pagkapangulo ng bansa?
Sagot ni yorme, na dapat siyang ibot dahil wala siyang paghihiganthian.