top of page

MBHTE-BARMM, AABOT NA SA 387 ANG KABUUANG CLASSROOMS ANG MGA ITINURN OVER SA 10 NA SCHOOLS DIVISION

Kael Palapar

(Photo Courtesy: Ministry of Basic, Higher and Technical Education)


BANGSAMORO REGION - Aabot na sa 387 ang kabuuang classrooms na matagumpay na itinurn over ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education o MBHTE sa sampung schools division ng Bangsamoro Autnomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.


342 sa mga classroom na ito ay pinondohan mula sa 2018 Basic Educational Facilities Fund habang ang 33 naman ay mula sa Transition Development Fund habang 12 ay nagmula sa Contigent Fund 2020.


Ang mga itinurn over na classrooma sa sampung schools division ay may kasamang hand wash facilities, water and sanitation facilities, solar panels at iba pa.


Ayon sa datos mula sa MBHTE, tinatatayang aabot na sa mahigit limang daang milyong piso ang kabuuang halaga ng mga itinurn over na classroom.

4 views0 comments