Kael Palapar

COTABATO CITY — Malaking tulong umano ang ibinahaging learning continuity plan equipment and supplies ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o MBHTE-BARMM ayon kay sa principal ng Cotabato City Central Pilot School na si Shaffa Guiani.
Aniya, ang mga learning continuity plan equipment and supplies mula sa MBHTE-BARMM ay dagdag sa mga kagamitan na kinakailangan ng mga guro upang mas mapaayos ang pagtuturo sa kanilang mga estudyante.
Ang Cotabato City Central Pilot School ay isa sa limampung paaralan sa ilalim ng Cotabato City Schools Division na tumanaggap ng learning continuity plan equipment and supplies mula sa MBHTE-BARMM.
Ang naturang learning continuity plan equipment and supplies ay naglalaman ng 120 units of teachers’ kits, 456 green bags for Kinder to Grade 3 learners, and 454 learners’ kits para sa grade 4 to 6 learners at mahigit 4,000 box ng bond papers.
Ang pagbibigay ng mga materials na ito ay alinsunod sa procurement activities? ng MBHTE-BARMM upang mapabuti ang serbisyong pang-edukasyon at learning continuity sa lahat ng paaralan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.