top of page

MBHTE-BARMM, SUPORTADO ANG FULL IMPLEMENTATION NG FACE-TO-FACE CLASSES SA NOBYEMBRE

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Ngayon pa lamang, excited na ang estudyanteng si Sahara sa nakatakdang pagpapatupad ng full implementation ng face-to-face classes ngayong buwan ng Nobyembre.


Mas epektibo para kay Sahara ang actual discussion sa loob ng silid aralan kaharap ang guro at iba pang mag-aaral.


Desidido na si DEPED Secretary, Vice President Sara Duterte sa pagpapatupad ng full implementation ng face-to-face classes sa susunod na buwan kaya ang MBHTE naghahanda na rin para dito.


Ayon kay MBHTE Minister, Mohagher Iqbal, "Pag ang isang leader ay matatag, at firm, yong mga kasamahan especially sa Autonomous Region in Muslims Mindanao specifically sa MBHTE, ay committed na ipatupad yong face to face dahil ang paniniwala natin wala talaga substitute , walang kapalit yong face to face procedure sa pag tuturo, of course hindi natin maiwasan yong COVID 19 na magiging new normal, wala ng magiging ibang sitwasyon so dahil yon na ang nagiging normal, we have to work and implement our program more or less wearing in mind kung ano ang pwede nating magawa na kahit may COVID 19 ibig sabihin sa abot ng ating makakaya ginawa po natin ang lahat ng pwede nating ma implement at nakita naman natin kahit papano ay na implement naman natin ang mga programa natin kaya lang gaya ng sinabi ko merong mga challenges"


Sa ipinatutupad na blended learning system sa kasalukuyan, bagama’t maayos ayon sa MBHTE, nanatili pa rin ang hamon sa kakulungan ng silid aralan at guro.


Dagdag pa ng Minister "Smooth in the sense na na implement natin ang plano natin not smooth in the sense na walang challenges halimbawa yong dati rin na problema natin hindi lang dito sa BARMM nationwide yong kulang ang school building, classroom at kailangan din natin i prepare natin yong mga classroom yong mga eskwelahan kasi more than 2 years walang face to face kaya kahit paglilinis lang sa eskwelahan at yong mga damo doon kailangan linisan natin. Pangalawa, despite the fact na this 2019 when I assume sa MBHTE meron na po tayong na hire na more or less 3,000 na teachers pero kulang parin."


Upang tugunan ang hamon sa pagpapabakuna sa mga estudyante at guro, magbibigay ng award at cash incentive ang MBHTE sa mga paaralan na 100 percent nang vaccinated ang mga mag-aaral at guro.



Eto ang sinabi ni Minister Iqbal "and then of course the effect of COVID 19 although hindi na as serious as before, pero sa mga kabataan natin anjan parin yong tinatawag natin na fear sa COVID 19 so yon ang mga challenges natin. Meron tayong mga teachers na hindi nabakunahan diba although sa policy ng national government Department of Education ay pwede na rin sila mag turo diba ika nga prevention is better than cure so kaya itong darating na education summit namin meron kaming pa contest na kung sino ang eskwelahan na may pinaka mataas na vaccination rate ay bibigyan po namin ng reward, at may kasamang cash na ibibigay namin sa kanila as a form of incentive na magsikap sila kung kaya dapat abutin natin ang 100 percent na vaccination sa mga bata."


Kasabay ng pagbubukas ng klase nitong Agosto, sa Bangsamoro Region mayroon na ring mga bagong principal na itinalaga ang tanggapan sa mga schools division na sakop nito.


Ayon pa sa Minister, "Meron na po sa Maguindanao 1,2 Cotabato City at very soon ire-release natin yong mga pincipal para sa Lanao del Sur Division 1 & 2 at isusunod din natin yong Marawi City at iba pang probinsya. Sa ngayon, mahigit 28,700 ang empleyado ng MHBTE sa buong rehiyon. Sinisikap naman ng tanggapan na makumpleto ang 39,000 teaching and non-teaching personnel ng MBHTE.



End

0 views
bottom of page