top of page

MBHTE, BUMUO NG ELECTION TASK FORCE

Kael Palapar

BANGSAMORO REGION - Upang matiyak ang isang malaya, maayos at mapayapang halalan, inilunsad ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE ang 2022 Election Task Force ngayong darating na May 2022 elections.


Pinangunahan mismo ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal ang naging launching kahapon, April 25, sa Shariff Kabunsuan Complex sa Cotabato City.


Mahigit 300 district supervisors, school heads, at iba pang stakeholders ng Maguindanao 1, 2 at Cotabato City ang dumalo sa launching at orientation ng mga nabuong election task force upang mabigyan ng sapat na impormasyon sa technical support at legal assistance ang mga gurong maglilingkod sa halalan.


Ang task force ay binubuo ng Regional and Division Task Force na nakatakdang magmonitor sa mga guro na magsisilbi sa loob ng mga presinto ngayong halalan.


Matatandaan na una nang lumagda ng memoramdum of agreement ang MBHTE at Commission on Elections upang maprotektahan ang karapatang pantao ng mga guro at iba pang stakeholders na magsisilbi ngayong national at local elections.

You sent


4 views
bottom of page