Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Iprinisinta ni MBHTE minister Mohagher Iqbal ang proposed budget na ilalaan para sa isinusulong nitong Altruistic Bangsamoro Education for All.
Ayon kay MBHTE Minister Iqbal, hindi mawawala sa Prayoridad ng BARMM ang edukasyon.
"Youth remain the hope of our region. What a youth will be, is the future of the Bangsamoro. As such, we highly invest for education of the youth." Sabi nito.
Photo Courtesy: BTA Parliament
27, 251, 090 ,333 pesos ang proposed budget ng MBHTE para sa susunod na taon.
Ilan sa mga proyektong paglalaanan ng pondo ay ang Project IQBAL, Bangsamoro RESPECT, Quick Response Fund, School-Based Management project, Bangsamoro Inclusive Education, Bangsamoro School Sports Program, at iba pang Educational programs.
Sa pamamagitan ng MFBM formula, maibibigay ang mas mabuting serbisyo at inclusivity ng edukasyon sa BARMM Region.
Sa proposed budget, aasahang makakatanggap ng tig-39 million pesos sa labing isang identified schools division sa BARMM.