Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

“Better than a thousand days of diligent study is one day with a great teacher.”
Ito ang binigyang diin ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal kasabay ng paggunita ng World Teachers’ Day ngayong buwan ng Oktubre.
Malaki at mahalaga ang pagtanaw nito sa ginagampanang papel ng mga guro sa paaralan.
Sa kaniyang mensahe na ibinahagi sa
Photo courtesy : MBHTE
facebook post, nagpapasalamat ito sa walang sawang pagsisikap ng bawat guro na nagtuturo ng mga kaalaman— mapa akademiko o moral na kaalaman.
Hindi raw maikakaila ang kakaibang hamon na binigay ng New Normal system dulot ng pandemiya, pero hindi rin maikakaila na isa ang mga guro sa naging inspirasyon ng lahat na piliting gawin ang mga nakasanayan sa ganitong sitwasyon.
Nangako rin si MBHTE Minister Iqbal na patuloy nitong isusulong ang lahat ng proyekto at programa para sa guro, mag-aaral at paaralan para sa mas maunlad na edukasyon sa Bangsamoro Region.
Matatandaang nai-turn over na din ng MBHTE ang ilang school building projects and facilities sa tatlong Schools Division ng mainland sa BARMM.
End