MEASLES-RUBELLA | ORAL POLIO VACCINE

Photo Courtesy: Bangsamoro Government
Inilunsad ng Ministry of Health BARMM ang Chikiting Ligtas: Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine para sa proteksyon ng kabataang Bangsamoro.
Gumugulong na ang kampanya ng MOH BARMM para i-promote ang supplementation immunization na Chikiting Ligtas: Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine para sa proteksyon ng kabataang Bangsamoro.
Target ng kampanya na mabakunahan ang mga batang edad 0-59 months old kontra sa Oral Polio Virus at edad aged 9 hangga 59 months old haman para sa Measles-Rubella Vaccine.
Ang kampanya ay magtatagal hangga sa katapusan ngayong Mayo.
Layon ng MOH na makamit ang 95% coverage ng mga batang Bangsamoro para sa nasabing immunization.
Ang Measles at polio ay mga contagious diseases na maaring maging sanhi ng severe complications, tulad ng pneumonia, ear infections (otitis media), conjunctivitis, diarrhea, encephalitis, malnutrition, at kamatayan ng mga bata.
Hinihikayat ni MOH Deputy Minister Dr. Zul Qarneyn Abas ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na health centers para makabunahan.
Maaring magtungo sa Barangay Health Stations at Rural Health Units. Isasagawa rin ito sa pamamagitan ng house-to-house visits, at mobile clinics.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Dr. Abdullah Dumama, Jr., ang bakuha ay ligtas, effective, at libre.
Dumaan din aniya ito sa masusing pag-aaral ng mga eksperto para sa kalidad at pagiging epektibo nito.
Ang kampanay ay suporta rin ng United Nations Children’s Fund o UNICEF, Special Geographic Area (SGA), Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) at iba pang stakeholders
Inilunsad naman ang kaparehong aktibidad sa probinsya ng Sulu noong April 26.
Target na mabakunahan sa probinsya ang 127, 964 na mga bata.